Milk time.
Ubusin ko lang ang aking gatas at matutulog na rin ako maya-maya. Natatawa ko sa sarili ko tuwing maalala ko kung bakit ko biglang naisipan uminom ng gatas nitong mga nakaraang araw. Oh well, nainggit lang naman ako sa boss ko. Haha. Twing nagkukuwento kasi sya, super love nia daw ang gatas, etc etc. One of the advantages na sinasabi nia is for strong bones nga daw. Ako, kaya ko gusto uminom? Nainggit lang talaga ko. Haha. K. Weird ko na naman please.
Weird din ang gabing ito. I feel tired kahit parang wala naman akong masyadong ginawa ngayong araw. Siguro, dapat mas pinagtuunan ko ng oras ang pagtulog pero hindi ko ginawa. Feeling ko kasi, kelangan ko magvideoke, kelangan ko magbasa, kelangan ko manood ng movie, kelangan kong tulungan yung mga kapatid ko sa assignments nila at super nalulungkot akong isipin na parang hindi kasya ang oras para gawin ang mga bagay bagay. Kina-weird ko lang talaga minsan, feeling ko superman ako. Ay, superwoman pala, pero mas gusto ko superman. Haha. Eh kasi, pag may gusto akong gawin, hangga’t maaari, dapat gawin ko na pero madalas, nauunahan ako ng katamaran. Eh pano, pag nauuna si katamaran, dun naman pumapasok yung thought na gusto ko din tumanganga kahit paminsan. Mag-observe lang ng mga bagay bagay habang umiinom ng milktea (OMG, tagal ko ng di nakainom, lungkot). Gusto ko maglaan ng oras sa sarili ko na wala kong inaalalang mga bagay, kahit ilang oras lang, kahit ilang minuto lang. Napakadami ko na kasing inaalala at parang wala na din akong pahinga (mentally and physically) gawa ng mga bagay na yun.
Isa pa, sa work ko. Nakakatuwa lang isipin na nararanasan ko na ang mga struggles ng pagiging first time na working girl. Syempre, number one ang pera, sa sweldo. Natatawa ko sa sarili ko ngayon dahil bago ko magwork, sabi ko pa sa sarili ko, hindi ako magkakaproblema sa pera dahil hindi naman ako ganun kamaterialistic. Pero ano ko ngayon? Haha. Super budget at bili ng kung anu anung feeling ko eh “basic” needs ko. Haha. Eh kelan naman kaya matatapos ang pagbili ko sa aking “basic” needs? Hahahaha
Last na. Nalulungkot ako pero ramdam kong kumpleto ako. Hindi ako nakakaramdam ng parang may kulang sa buhay ko. :) Ganun pala talaga yung pakiramdam ng may God ka? Ng may Jesus ka? :) Kasi dati, weird din ang tingin ko sa mga taong ganun, mga taong makapagsalita ng God and Jesus, parang sobrang banal. Pero hindi lang pala ganun yun. May mga bagay talagang mahirap ipaliwanag at may mga bagay na si God lang ang makakapagfill sa puso ko (puso talaga. HAHA). Ilang beses ko na kasing naranasan ang emptiness at mula nung nagkaron ako ng deeper relationship sa Kanya, hindi ko na yun naramdam ulit. Wala, ngumingiti na lang ako paminsan ng walang dahilan (pwedeng baliw na din siguro. Haha). Para akong inlove na hindi malaman. Feeling ko, sobrang secured ako, hindi man physically. Higit sa lahat, paminsan, dumadating sa point na napapagod akong mag-ayos ng sarili ko at maganda pa rin ang pakiramdam ko kasi naiisip ko na kung tanggap Niya ko sa kahit anong itsura ko, wala na kong pakialam kung hindi ako tanggap ng mundo. Dahil hindi naman naibibigay ng mundo yung pure joy na hinahanap na puso ko eh na Siya lang ang nakakapagbigay. Amazing eh? ;)
Goodnight phowzz :P
-
iniirogkita liked this
-
piperkubiba said:
san ka powzz nagwowork?
-
rockeratheart liked this
-
bryanbenida liked this
-
kimiohosokawa posted this