
The plan was about to head anywhere just to see the sunrise. Kaya umalis kami ni Koks ng super aga para masilayan ang sunrise at guess what? Ultimate FAIL. Hahahaha. Eh kasi, dun sa napuntahan namin somewhere sa Antipolo, hindi namin nakita ang araw, instead, fog lang. Haha. Sayang, naimagine ko pa naman ang romantic scene namin na sabi ko pa sa sarili ko eh dapat may picture kami ni Koks with the sunrise on the day of my 21st.
Anyways, everything went well naman at went so sayaaa! :) Super kulitan lang dun sa napuntahan namin na resto na may bahay kubo sa labas at close pa kasi sila, as in wala pang tao except kay manong na natutulog sa kabila pang kubo. Haha.
Also, dapat, pancake ang breakfast namin pero nung naggrocery ako nung Sunday (for my handa), naalala ko lang na fave ni Kokong ang danggit so ayun, bumili ako, at nagluto the next day. Pati mangga at bagoong, bumili din ako kaso di na namin nakain kasi medyo nagmamadali at medyo masakit ang aking ngipin gawa ng braces :|
Super kulitan lang sa aming phokoshook! Haha. Ako kasi ang nagpipilit na magpicture kaming dalawa, though di naman niya talaga ayaw :)


Hanggang mga 7am lang kami, so two hours na pagsasama lang at kelangan na nia ko hatid. Okay lang din dahil super antok na ko at may lakad pa ko ng 10am. ;)
Pag-uwe, nakatulog ako ng 1 hour, at thanks to Kenneth, dahil sa text nia about the photowalk, nagising ako at diretso ayos ng sarili ng konte at punta sa tapat ng Ongpin church, sa may plaza.

Tas nung makita ko si Alexis (litratonijuan), ayun, tambay sandali dahil hinihintay pa ang iba hanggang sa medyo kumpleto na at sinumulan na ang paglalakad. Sobrang saya lang. :D As in. And one of the best moments eh yung kinantahan ako during lunch. HAHAHAHA. Pero nahihiya talaga ko nun kasi si Kenneth eh! :)) Pero thanks na rin, kasi tama ka nga, ang sarap sa pakiramdam lalu pa’t kakaunti lang ang bumati saken thru text (which is ang ineexpect ko eh more on text ang babati :|). Pero super nakaka-blush dahil mga photographers pa ang kumakanta :”> HAHAHAHA. Ang kyut lang nila. :”> Salamat nga pala, mga pre! :))
Nakita ko rin sila Arriane at Bryan :) At sila talaga ang dahilan kung bat nalaman ni Kenneth na birthday ko, at kung bakit nalaman ng mga kasama ko sa photowalk. Haha. :)
At ayun, hindi ako nagkamali sa aking desisyon na magcelebrate ng aking birthday with tumblr photobloggers and with my Kokong. Gusto ko kasi, istart ko ang aking 21st year na super ile-less ang material things at magfocus sa mga bagay na hindi nabibili. Medyo cheesy pero ganun lang talaga ang gusto ko :”>
Thank you Lord sa lahat ng nakasama ko sa isa sa pinakamasayang birthday ko ♥
-
amparokenneth liked this
-
iniirogkita liked this
-
kaiyepallarco liked this
-
jvlian said:
Happy Birthday! :-)
-
letmebringyoutomyworld liked this
-
bubblyperceptions liked this
-
kimiohosokawa posted this