Zamba love ♥
I just wanna thank God for making me realize this.
Kanina, I joined the photowalk, again, organized by Alexis, and t’was super fun! Though hindi ko maitatanggi na I was a bit envious with the dslr people. Tas naalala ko yung sinabi ko sa sarili ko, na I’ll try my best para magkaron this year, hopefully next month agad. Haha. Ganon lang kasi ako ka-impulsive paminsan, na pag gusto ko, hangga’t kaya ko, gagawa ako ng ways to get it. Syempre.
Pero on my way home, nasa bus ako, I was so overwhelmed by what happened few hours before, kaya pagbayad ko kay manong konduktor, sinilip ko agad ang shots ko at dun na nagstart ang realization ko.
Narealize ko lang kasi na si Zamba ay para ring isang tao. Isang tao in a way na may kagandang asal, or kasamaan. Paminsan, kahit may nagagawang kabutihan, ang mas nakikita ko, yung kasamaan which is hindi kasi dapat ganun. Sa case ni Zamba, yung disadvantages nia yung una kong nakikita pag inaatake ako ng envy with other cams. Like mahirap talaga syang ifocus pag madilim, kaya hirap ako magpicture ng sceneries, mga sunsets at kung anu-anu pa. Pero paminsan, hindi ko na pala napapansin na sya pa rin ang first ever na minahal kong cam at dahil din sa kanya kaya ko nainlove talaga sa photography. And kahit hindi ako magaling, yung shots ni Zamba is still satisfying me. And I just wanna thank him(?) sa lahat ng shots na ibinigay nia saken :) Lalo na kanina. Ewan ko, hindi siguro ganun kaganda pero natutuwa kasi ako. Thanks Zamba! :)
And so, at least for now, natutunan kong pahalagahan ang isa sa mga bagay na nagbibigay saken ng super na kasiyahan in little ways at hindi ko sya kelangan icompare pa sa iba, dahil iba talaga ang value nia.